Miyembro ng Maute group na nananatili pa rin sa sa Marawi City nasa 100 na lang – AFP

Aabot na lamang sa mahigit isandaan ang mga miyembro ng Maute group na nananatili pa rin sa ilang barangay sa Marawi City.

Ayon kay Armed Forces Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, hindi na lalagpas sa isandaan at dalawampung  maute members ang nagtatago pa rin sa Marawi.

Bukod dito, sinabi din ni Arevalo apat na Barangay na lamang sa Marawi ang isasailalim sa clearing operations.

Samantala, naglalaro naman sa 150 hanggang 200 ang bihag na sibilyan ng Maute habang  nasa dalawamput pito ang napatay sa nagpapatuloy na bakbakan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *