MMDA STF Chief Bong Nebrija , Suspendido

Suspendido si Colonel Bong Nebrija na Hepe ng Special Task Force ng Metro Manila Development Authority o MMDA.

Mismong si MMDA Chairman Romando Artes ang nag-anunsyo ng suspensyon ni Nebrija matapos masangkot sa gusot dahil sa balitang nahuli na dumaan sa edsa busway ang sasakyan ni Senador Bong Revilla at pinalusot ito dahil sakay ang mambabatas.

Kasama ni Artes, humarap si Nebrija kay Senador Revilla sa Senado kung saan humingi siya ng paumanhin at inako ang responsibilidad sa naging pagkakamali ng kaniyang enforcer.

Itinanggi ni Revilla ang impormasyon at kinumpronta si Nebrija dahil sa aniya’y kasiraan sa kaniyang pangalan.

Paglilinaw ni Revilla, hindi niya sasakyan ang nahuli sa edsa busway dahil nasa Cavite siya at bihirang dumaan sa kahabaan ng EDSA.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *