Money trail dapat gamitin para matukoy ang utak sa Percy Lapid killing ayon sa Minority leader ng Kamara

Hinimok ni House Minority Leader Congressman Marcelino Libanan ang Philippine National Police PNP na gamiting lead ang pinagmulan ng pera na ibinayad sa grupo ni Joel Escorial ang self confessed gunman ng broadcaster na si Percy Lapid.

Sinabi ni Libanan na makakatulong ang nasabing anggulo para matunton ang source ng pera na ginamit na pambayad sa mga hired killers ni Lapid.

Naniniwala si Libanan na dahil sa pagkamatay ng sinasabing middleman na si Crisanto Palana Villamor naging masalimuot at lumawak ang kaso kung kaya hindi pa masasabing sarado na ang kaso hanggat hindi nahuhuli ang mastermind.

Ayon kay Libanan, maraming lead ang maibibigay ng gagawing money trail dahil lilitaw ang pangalan ng tao na inutusan magpadala ng pera sa grupo ni Escorial.

Magugunitang sa ginawang press conference noong Martes isiniwalat ni Escorial na binayaran ang grupo nila ng 550,000 pesos para patayin si Lapid at pagkatapos maisakatuparan ang krimen ay ipinadala sa kanyang bank account ang 140,000 pesos bilang parte sa bayad.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *