MRT-3, may libreng sakay para sa mga empleyado ng gobyerno simula sa Setyembre 18 – 20

photo courtesy of eaglenews.ph

May handog na libreng sakay ang Metro Rail Transit-3 sa mga empleyado ng gobyerno simula Setyembre 18-20.

Ayon sa MRT-3 management, kaugnay ito ng pagdiriwang ng ika-123 anibersaryo ng Philippine Civil Service.

Ang libreng sakay ay epektibo sa kabuun ng operating hours ng MRT-3. Kailangan lamang magprisinta ng pasahero ng isang valid government ID.

Sinabi ni Transportation Assistant Secretary for Railways and MRT officer-in-charge Jorjette Aquino, “Ang handog naming libreng sakay ay simpleng pasasalamat sa lahat ng mga sakripisyo ng bawat kawani ng gobyerno upang magampanan ng tapat at maayos ang kanilang mga tungkulin.”

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *