MRT at LRT may libreng sakay ngayong Independence Day

mrtlrt

Courtesy of Wikipedia.org

May libreng sakay ang Metro Rail Transit (MRT) at ang Light Rail Transit (LRT) ngayong araw para sa paggunita sa ika-119 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

Sa abiso ng National Historical Commission of the magbibigay ng libreng sakay ang MRT at LRT simula 7:00 hanggang 9:00 ng umaga at mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

Layunin nito na mabigyan ng pagkakataon ang publiko na makalahok sa mga aktibidad para sa Araw ng Kalayaan na karamihan ay gaganapin sa Rizal Park.

Kabilang sa mga nasabing aktibidad ang job fair ng Department of Labor and Employment na gaganapin sa Senior Citizen’s Garden sa Rizal Park.

Magkakaloob din ng Medical, dental at optical service ang Department of Health, MMDA at Manila City Government na gaganapin sa Burnham Green sa nasabi ring parke.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *