Municipal Gov’t of Indang, nakahanda na sa magiging epekto ng Bagyong Rolly

Handa na ang Municipal Government of Indang Cavite sa posibleng epekto ng pananalasa ng Bagyong Rolly sa lalawigan.


All set na rin ang Evacuation Center na itinalaga ng bayan na nasa Brgy. Poblacion 3, maging ang mga relief goods na ipamamahagi sa mga maapektuhang residente sa kanilang lugar. 


Nakikiusap naman ang Indang Cavite LGU sa mga residente na manatili lamang sa loob ng mga tahanan at maging alerto at kung sakaling kailanganin ang paglilikas ay humihingi sila ng kooperasyon at pakikipagtulungan para maging maayos ang lahat at walang mapahamak.

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: