MWSS, dedesisyunan na ang hirit na dagdag-singil ng Maynilad at Manila Water

Nakatakdang desisyunan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ngayong araw ang hirit na dagdag-singil ng Maynilad at Manila Water.

Aabot sa 79 centavos kada cubic meter ang gustong idagdag ng Maynilad kasama na ang adjustment sa basic rate, habang 37 centavos per cubic meter ang hirit ng Manila Water.

Paliwanag ng Maynilad, lolobo ang dagdag singil kung patuloy na humihina ang palitan ng piso kontra dolyar.

Nauna nang inihayag ni MWSS Chief Regulator Joey Yu na ang posibleng dagdag singil ay dahil sa foreign currency differential adjustment.

Please follow and like us: