Naga City Municipal Trial Court in Cities sarado para sa isasagawang disinfection

Sarado ngayong araw ang Naga City Municipal Trial Court in Cities dahil sa isinasagawang decontamination at sanitation.

Ito ay matapos magpositibo sa Covid -19 ang isang abogado na humarap sa Branches 1,2, at 3 ng nasabing korte.

Sa memorandum ni Executive Judge Margaret Armea, inatasan ang mga hukom at court personnel na mag-work from home muna.

Maaari namang kontakin ang Naga City MTCC sa kanilang hotline numbers at email addresses.

Samantala, pisikal na sarado rin ang Padre Burgos-Agdangan Municipal Circuit Trial Court sa Quezon Province hanggang sa September 10

Ito ay bunsod ng temporary closure ng Padre Burgos Municipal Hall kung saan matatagpuan ang hukuman dahil sa disinfection ng gusali.

Moira Encina

Please follow and like us: