Naitalang bagong kaso ng COVID-19 mas bumaba ngayong araw

Mas bumaba pa ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw na nasa 6,835.

Dahil rito, ayon sa Department of Health, umabot na sa 3,616,387 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID- 19 na naitala sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ng COVID- 19 sa bansa ngayon, nasa 116,720.

May 16,330 namang naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 3,445,129 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 dito sa bansa.

May 12 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 54,538 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong February 5,2022, at 2 naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID 19 Repository System.

Please follow and like us: