Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa bumaba – DOH

Umabot na sa 63,137 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Itoy matapos na makapagtala ang Department of Health ng 6,879 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 6,337 naitalang bagong gumaling.

May 48 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya umabot na sa 28,141 parin ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 1,612,541 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,521,263 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: