Naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa – bumaba

Bahagyang bumaba ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas nitong nakaraang linggo.

Sa datos ng Department of Health, mula May 30 hanggang June 5,2022, 1,295 na bagong kaso ng COVID- 19 ang kanilang naitala.

Ang daily average ng mga kaso ay 185 na ayon sa DOH ay 1.4% na mas mababa kaysa naitala noong May 23 hanggang 29.

May 16 namang naitalang bagong kaso ng severe at kritikal habang may 1 ang iniulat na bagong nadagdag sa listahan ng nasawi.

Pero ayon sa DOH, ang isang ito ay noong Enero ng 2021 pa nasawi at na-late lamang naireport.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: