PCG tumulong na rin sa evacuation ng mga nakatira malapit sa bulkang Bulusan

Tumulong na rin ang Philippine Coast Guard para mailikas ang mga residente na nakatira malapit sa bulkang bulusan sa Sorsogon.

Kasama na sa mga inilikas ang mga apektadong residente sa Brgy. Puting Sapa sa bayan ng Juban.

Nagpaalala naman ang PCG sa publiko na huwag pumasok sa 4-kilometer-radius permanent danger zone sa paligid ng bulkang Bulusan.

Pinag-iingat rin maging ang mga nasa loob ng 2-kilometer extended danger zone dahil sa posibilidad ng biglang pagkakaroon ulit ng phreatic eruptions.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: