Nakakumpleto ng bakuna kontra COVID-19 sa CALABARZON, higit na sa 104,000

Lagpas na sa 100,000 katao ang fully vaccinated laban sa COVID-19 sa CALABARZON.

Sa pinakahuling tala ng COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON, kabuuang 104,772 ang nakatanggap ng dalawang dose ng bakuna sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, mahigit 37,500 ang health workers, nasa 30,800 ang senior citizens, at 36,400 ang may comorbidities.

Samantala, umaabot naman sa 412,444 ang naturukan ng unang dose ng anti- COVID vaccines sa CALABARZON.

Sa kabuuan ay 517,228 doses ang na-administered o naiturok sa Region IV-A.

Moira Encina

Please follow and like us: