Nakuhang satisfaction rating ng gabinete magsisilbing inspirasyon at pampasigla sa pagtatrabaho ng Duterte administration

Magsisilbing inspirasyon at pampasigla sa pagtatrabaho ng Duterte administration ang nakuhang satisfaction rating ng gabinete.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, lalo pang magpupursige ang pamahalaan para magkaroon ng kapayapaan at kaayusan at pagpapairal ng batas para sa mas komportableng pamumuhay at sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga Pilipino.

Ayon kay Abella, sinusunod ng mga miyembro ng gabinete ang work ethics ng Chief Executive na pro-active, masipag at may pagkalinga sa mga mahihirap at napabayaan sa lipunan.

Ipinagmalaki rin ni Abella na consistent ang nakukuhang magandang rating ng Duterte cabinet partikular sa magkakasunod na apat na quarters.

Batay sa Social Weather Stations o SWS survey, nakakuha ang Duterte cabinet ng +34 net satisfaction rating para sa second quarter ng taon.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *