NAPOLCOM, hindi muna manghihimasok sa nangyaring drug raid sa Ozamiz City

Wala pang balak manghimasok ang National Police Commission (NAPOLCOM) sa naganap na drug-raid sa Ozamiz City na ikinasawi ni Mayor Reynaldo Parojinog Sr., misis nito at 13 iba pa.

Ayon kay Atty. Rogelio Casurao, Vice Chairman at Executive Officer ng NAPOLCOM, sa ngayon malinaw na tama ang proseso dahil mayroong search warrant ang mga raiding team ng PNP.

Dagdag pa nito, aantayin nila kapag mayroong naghain ng demanda na kumukuwestiyon sa nasabing operations.

Naniniwala si Casurao, na nagtrabaho lamang ang mga pulis sang-ayon sa kanilang mandato.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *