Namatay sa Jolo twin blasts, hindi bababa sa 20; higit 100 sugatan

Dalawampu ang patay sa magkasunod na pagsabog sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa jolo sulu.

Sa pinakahuling ulat naman ng Police Regional Office – ARMM, 111 naman ang naitalang sugatan. ang mga nasawi sa pagsabog ay limang sundalo, isang miyembro ng Philippine Coast Guard at 14 na sibilyan.

Siyamnapung sibilyan, 17 military personnel, dalawang police officers at dalawang miyembro naman ng coast guard ang nasugatan.

Naganap ang unang pagsabog sa loob ng Katedral habang idinaraos ang isang Misa habang ang isa pang pagsabog ay naganap sa parking area.

Ang mga pagsabog ay naganap ilang araw lamang matapos ang plebisito sa Bangsamoro Organic Law na niratipikahan na ng Commission on Elections (Comelec).

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *