NTF against Covid-19, nanawagan sa LGUs na magtayo ng sariling vaccination site

Umapela si National Task Force (NTF) Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez sa Local Government Units (LGUs) na magtatag ng sariling vaccination sites.

Sinabi ni Galvez na malaking tulong sa National Government kung tutulong ang mga LGU sa pagtatatag ng mga vaccine sites dahil mapapabilis ang roll-out ng vaccination program ng pamahalaan sa sandaling dumating na ang mga bibilhing bakuna.

Ayon kay Galvez, marami nang mga lokal na pamahalaan ang handang bumili ng sariling anti-COVID-19 vaccine para sa kanilang nasasakupan sa pamamagitan ng Tripartite Agreement.

Inihayag ni Galvez na pinag-aaralan na rin ng NTF na i-convert sa vaccine sites ang ilang mega quarantine facilities tulad ng Ninoy Aquino Stadium at Mall of Asia Arena upang mapabilis ang pagbabakuna laban sa COVID-19 at makontrol na ang Pandemya sa bansa.

Vic Somintac

Please follow and like us: