3 Koreano at 1 pinoy na suspect sa kidnapping case arestado ng PNP Anti- Kidnapping Group sa Pampanga

Arestado sa operasyon ng PNP Anti-Kidnapping Group ang tatlong Korean National at isang Pinoy na nasa likod ng pagkidnap sa mga kapwa koreano sa Angeles, Pampanga.

Mismong si PNP Chief Ronald Bato dela Rosa ang nagpresinta sa mga suspek na kinilalang sina Kim Min Kwan alias Michael lLim, kambal na magkapatid na Cha Jae Young at Cha Jae Sun at ang pinoy na si Raymond Flores

Sa inisyal na Report ng PNP AKG , alas dos ng madaling araw noong Sabado nang kanilang nailigtas ang negosyanteng biktima na si Lee Dung Jae sakay ng isang Toyota Fortuner sa Parking Area ng Bureau of immigration sa Intramurous, Manila.

Dito nila naaresto ang magkapatid na CHA at si Flores na nagbabantay sa biktima habang si Alias Michael Lim naman ay naaresto sa follow up Operation malapit sa kaniyang Condominium Unit sa Padre Faura St, Ermita Manila.

Bago dukutin si Lee, una nang dinukot ng mga suspek noong Hwebes ng umaga at kanyang tatlong tauhan na sina Kim Dae Hyun,Jung Ju Wan, Kim Woo Min, na ipinatubos ng 1.2 Million pesos.

Modus umano ng mga suspek na maghanap ng target na Koreano at pagkatapos nito ay kukumuha sila ng Pekeng MISSION ORDER sa kasabwat nilang taga sa bureau of Immigration na si Carlos Garcia Alias OXO.

Base sa mga nakuhang impormasyon ng AKG, dalawang tauhan umanoy ng Bureau of Immigration at tatlong tauhan ng NBI ang kasabwat ng mga suspek.

Ang modus ng mga suspek hindi raw nalalayo sa grupo ng mga pulis at NBI agents na dumukot at pumatay sa negosyanteng si Jee Ick Joo.

Nakikipag ugnayan na ang AKG sa BI at NBI para tugisin ang mga tauhan nila na sinasabing sangkot sa kidnapping.

Ulat ni Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *