Abril 27-28, idineklarang holiday dahil sa ASEAN Summit

Inianunsyo ng Malacañang ang work suspension sa April 27 sa lahat ng government offices sa Manila, Makati at Pasay City.

Ito ay kaugnay sa idaraos na  Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Meeetings sa April 27 hanggang April 28.

Batay sa Memorandum Circular 18 na ipinalabas ng Malacañang, deklarado ring non-working holiday ang April 28 para sa government at private offices sa buong Metro Manila at wala ring pasok ang mga estudyante sa lahat ng antas.

Samantala, ipinauubaya na ng Malacañang sa mga apektadong local government units (LGUs) ang pagdedesisyon kung magsususpinde ng trabaho sa April 29.

Ulat ni : Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *