FDA muling nagbabala sa publiko laban sa banned ng oral polio vaccine

Nanawagan ang Food and Drug Administration o FDA sa publiko na isumbong sa kanila at sa DOH ang mga doktor na patuloy na nagrerekomenda o nagbibigay ng Trivalent Oral Polio Vaccine o TOPV na matagal na nilang ipinagbawal.

Ayon kay FDA Director General Nela Puno, kinansela na nila noon pang nakaraang taon ang certificates of products registration ng lahat ng mga manufacturer, importer at distributor ng TOPV vaccines.

Ito ay alinsunod na rin sa kautusan ng DOH sa lahat ng health facilities sa buong bansa na itigil na ang paggamit sa nasabing oral polio vaccines para maiwasan ang re-emergence  ng vaccine-derived polio virus type 2.

Pero nabatid ng FDA na may mga ilang pribadong doktor pa rin na nagpe-prescribe o nagrireseta pa rin ng TOPV.

Dahil dito , pinayuhan ng FDA lalo na ang mga magulang na maging mapagmatyag sa polio vaccines na ipinapagamit ng mga doktor sa kanilang mga anak.

Binalaan din ng FDA ang mga distributors at retailers na patuloy pa ring nagtatago ng naturang banned polio vaccine na mahaharap sila sa kasong kriminal.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *