BBM binayaran na ang kalahati ng ₱66M na hinihingi ng PET para umusad ang kanyang electoral protest

Binayaran na ni dating Senador Bongbong Marcos sa Korte Suprema ang inisyal na 36 million pesos  na sinisingil ng Presidential Electoral Tribunal para umusad ang kanyang electoral protest laban kay Vice-President Leni Robredo.

Kahapon ang deadline na itinakda ng PET sa kampo ni Marcos para bayaran ang unang installment ng electoral protest fee na nagkakahalaga ng kabuuang 66 million pesos

Personal na nagtungo si Marcos sa Korte Suprema para magbayad.

Kabuuang 36 million and 23 thousand pesos ang binayaran ni Marcos sa PET.

Sinabi ni Marcos na kahapon  lang nakumpleto ang 36 million pesos dahil sarado ang bangko noong long holiday.

Marami aniyang lumapit sa kanila para tumulong sa pagkalap ng nasabing halaga.

Pinangunahan aniya ng kanyang malalapit na kaibigan ang pag-ikot at pagkolekta ng naturang halaga.

Sa kanyang open letter sa PET, inihayag nito ang 40 indibidwal na nagtulung tulong para makabayad siya ng protest fee.

Minarapat na rin anyang bayaran ang  protest fee bagaman naghain sila ng mosyon para kwestyunin ang halagang itinakda ng SC.

30 million pesos naman ang kailangan pang bayaran ni Marcos sa ikalawang installment na ang deadline ay sa July 14.

Gagamitin para sa retrieval ng mga ballot boxes at mga election documents sa mga kinukwestyong presinto ni. Marcos ang nasabing halaga.

Sa kanyang protesta kinukwestyon ni Marcos ang resulta ng Vice Presidential elections sa 39,221 clustered precints.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *