Malacañang binati ang Davao City council sa pagdedeklarang persona non grata si Senador Antonio Trillanes

Congratulations Davao City council ang tanging nasambit ni Presidential Spokesman Harry Roque sa pagdedeklara kay Senador Antonio Trillanes iv na persona non grata o hindi welcome ang mambabatas sa lungsod ng Davao.

Sinabi ni Roque na wala siyang ibang masasabi dahil siya ay tagapsgsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte at hindi ng Davao City council.

Si Trillanes ay ideneklarang persona non grata matapos sabihin nito na ang Davao City ay most dangerous city dahil sa patakaran ng mga Duterte na may kaugnayan sa extra judicial killings.

Mismong si Pangulong Duterte ang nagpahayag sa mga naunang public speech na mayroon siyang hawak ng ebidensiya na nakikipagsabawatan si Trillanes kay filipino american philanthropist Loida Nicolas Lewis para ibagsak ang gobyerno.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *