Mga pasaway na MMDA constable na nahaharap sa kaso, paglilinisin sa mga estero

Inatasan ang mga pasaway na constable ng Metropolitan Manila Development Authority na tumulong maglinis ng mga estero o creek habang dinidinig ang kanilang mga kaso.

Ayon kay MMDA ChairmanTim Orbos, 60 ng kaniyang mga tauhan ay pansamantalang  tutulongsa flood control at Sewerage Management office.

Tutulong sa paglilinis ang mga MMDA constable na may iba’t ibang kaso.

Kabilang na ang mga nahaharap sa kasong  negligence at extortion.

Ang mga ito ang mangangasiwa  sa paglilinis ng mga waterway at sewerage unclogging sa ilalim ng Estero Blitz program.

Mapipigilan din ng re-assignment ang pag impluwensiya ng mga ito sa imbestigasyon at pag harass sa mga complainants habang dinidinig ang kanilang mga kaso.

Ulat ni : Carl Marx Bernardo

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *