Pagkakabasura ng House Committee on Justice sa impeachment complaint laban kay Pang. Duterte ikinatuwa ng Malakanyang

Naniniwala ang Malakanyang na walang patutunguhan ang impeachment complaint na isinampa ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo matagal na niyang sinasabi na hindi makaka-first base sa mababang kapulungan ng kongreso ang impeachment laban sa Pangulo.

Ayon kay Panelo ang batayan ng impeachment na isinampa ni Alejano laban sa Pangulo ay batay sa hearsay o sabi-sabi lamang at pawang kasinungalingan.

Inihayag ni Panelo na ang impeachment na isinampa ni Alejano ay naglalayon lamang siraan ang Pangulo.

Ang impeachment laban sa Pangulo ay ibinasura ng House Committee on Justice matapos madetermina na sapat ang porma ngunit kulang sa sustansiya kaya hindi maaring isalang sa impeachment trial.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *