PBA player Dorian Peña isinalang sa inquest proceeding sa DOJ dahil sa possession at paggamit ng iligal na droga

Ipinagharap ng NBI ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act sa DOJ ang PBA player ng San Miguel beermen na si Dorian Pena.

Naaresto si Peña ng mga tauhan ng NBI-Anti Illegal Drugs Group sa buy- bust operation noong madaling araw ng May 10 sa Rizal Street, Merryland Subdivision, Mandaluyong City kung saan nakumpiska sa kanya ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Kasama sa naaresto ng NBI sina Leddy Mea Vilchez at Jose Paolo Ampeso.

Ang tatlo ay nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga.

 

Sina Peña ay dinala ng NBI sa DOJ kung saan sumalang sila sa inquest proceeding sa sala nina Fiscal Jocelyn Dugay at Ethel Rea Soril.

Ang basketbolista ay sinampahan ng reklamong possession and use of dangerous drugs habang sina  Vilchez at Ampeso naman ay reklamong sale, posssesion, use of dangerous drugs at maintenance of drug den.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *