Problema sa MRT nag-umpisa sa panahon ni Mar Roxas sa DOTC- Sen. Poe

Hindi man direktang pinangalan pero aminado si Senadora Grace Poe na nag umpisa ang problema sa MRT operations sa ilalim ng termino ni dating DOTr Secretary Mar Roxas.

Si Roxas ang pinalitan ni dating DOTr Secretary Joseph Emilio Abaya sa pwesto.

Nauna nang sinabi ni Abaya sa pagdinig na bago lamang siya sa pwesto nang aprubahan ang kontrata sa PH Trans para sa maintenance contract ng MRT3.

Naniniwala siya sa katapatan ng mga dating kasamahan sa DOTr kaya hindi na nireview ang kontrata.

Pero inamin ni Poe na pag aaralan pa ng komite kung ipapatawag si Roxas para hindi maakusahan ng pamumulitika.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *