Babaeng tinangka umanong suhulan ng kampo ni Sen.Trillanes para tumestigo laban kay Pang.Duterte, nakipagkita kay Aguirre

Nakipagkita kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang babaeng sinasabing tinangkang suhulan ng kampo ni Senador Antonio Trillanes IV para tumestigo laban kay Pangulong Duterte.

Sinamahan ni Atty.  Bruce Rivera ang testigong si Guillermina Arcillas na makipagpulong kay Aguirre sa DOJ.

Ayon sa abogado, tinanggihan ni arcillas ang alok ni aguirre na sumailalim ito sa witness protection program para hindi ito mabigyan ng kulay pulitika.

Kampante si Arcillas na mas madaling matiyak ang kaligtasan ng kanyang buhay dahil sa Davao City siya naka base.

Una nang inihayag ni Arcilla na inalok siya ng staff ng Senador na kalahating milyong piso bilang paunang bayad para magsalita laban kay Duterte ukol sa umano’y pagkakasangkot nito sa illegal drug trading.

Pinangakuan rin siya ng kampo ng Senador ng isa pang kalahating milyong piso kapag naisampa na sa International Criminal Court ang kaso laban kay Duterte.

Ulat ni : Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *