Re-assignment ni Police Chief Inspector Jovie Espenido sa Iloilo City, kanselado na

Hindi na matutuloy bilang Director ng Iloilo City Police office o ICPO ang kontrobersyal na Police Chief Inspector na si Jovie Espenido.

Ayon kay Police Regional Office 6 0 PRO-6 Director Cheif Supt. Cesar Hawthorne Binag, ito ang natanggap nilang kautusan mula sa kampo krame na sinasabing hindi na matutuloy ang re-assignment ni Espenido sa Iloilo.

Samantala, itinalaga ng PNP Headquarters bilang bagong Director ng Iloilo City Police office si Senior Supt. Henry Binas.

Matatandaang sinabi n Espenido sa kaniyang mga panayam na hindi niya maaaring iwan ang Ozamis City hangga’t hindi pa natatapos ang kaniyang trabaho.

Ayon kay Espenido kahit namatay na si Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog, may natitira pa aniyang mga miyembro ng pamilya nito na hindi pa nahuhuli.

Aniya, mismong ang mga mamamayan ng Ozamis ang humiling sa kaniya na huwag munang lisanin ang Ozamis City.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *