Trial sa plunder case ni dating Sen. Bong Revilla kaugnay ng pork barrel scam ipinagpaliban na naman

Kinansela na naman ang Sandiganbayan 1st division ang trial sa kasong plunder ni dating Senador Bong’ Revilla kaugnay sa pork barrel scam.

Ito ay dahil sa hindi pa natapos ng marking ng mga ebidensya.

Humiling ang prosekusyon na kumpletuhin ang pre-markings of evidences, kaya nagtakda ang korte ng pre-trial conference para rito.

Ito ay gagawin sa April 21, 27, 28 at May 08.

Nakatakda namang ipatawag ang mga akusado sa May 25, ganap na alas dos ng hapon, para lagdaan ang pre-trial order.

Itinakda naman ng Sandiganbayan sa June 1 ang trial sa kaso ni Revilla.

Limang beses nang ipinagpaliban ng anti-graft court ang plunder trial ni Revilla, dahil sa kaparehong rason.

Si Revilla, na nakakulong sa PNP detention facility, ay nahaharap sa kasong plunder dahil sa paglaan ng kanyang  PDAF  sa pekeng NGO’s ni Janet Lim Napoles.

Ulat ni: Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *