NBA, i-aanunsiyo ang desisyon tungkol kay Morant pagkatapos ng Finals

Ja Morant #12 of the Memphis Grizzlies warms up before play against the Los Angeles Lakers in Game Six of the Western Conference First Round Playoffs at Crypto.com Arena on April 28, 2023 in Los Angeles, California. Memphis Grizzlies star Ja Morant's cryptic Instagram posts prompted a welfare check by police in Tennessee, who found the NBA All-Star to be "fine," the Memphis Commercial Appeal reported May 24, 2023. (Photo by RONALD MARTINEZ / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / AFP)

Inihayag ni commissioner Adam Silver, na inimbestigahan na ng NBA ang latest gun-flashing video ng Memphis Grizzlies star na si Ja Morant sa social media, ngunit hindi nila i-aanunsiyo ang naging aksiyon ukol dito hanggang sa matapos ang NBA finals.

Sa kaniyang pagsasalita bago ang game one ng championship series sa pagitan ng Denver Nuggets at Miami Heat, ay sinabi ni Silver, “the league had discovered ‘a fair amount of additional information about Morant. We probably could have brought it to a head now, but we made the decision — and I believe the players association agrees with us — that it would be unfair to these players and these teams in the middle of this series to announce the results of that investigation.”

Sinabi ng komisyoner na ang isang desisyon sa posibleng karagdagang mga parusa laban kay Morant ay ipahahayag ” ilang sandali pagkatapos ng Finals.”

Sinabi rin ni Silver na ang kasaysayan ng isang indibidwal na manlalaro ay isinasaalang-alang habang tinutukoy ang disiplinang ipapataw rito.

Aniya, “It’s not an exact science. It comes down to judgment at the end of the day on the part of me and my colleagues in the league office.”

Sinuspinde ng Grizzlies si Morant mula sa lahat ng aktibidad ng koponan habang nakabinbin ang pagsisiyasat ng NBA noong Mayo 14, matapos lumabas sa social media ang isang bagong video na nagpapakitang ang star guard ay nagpakita ng baril.

Ang All-Star ay sinuspinde na ng NBA ng walong laro ngayong season, dahil sa pag-uugaling nakapipinsala sa liga, pagkatapos niyang mag-Instagram Live nang may hawak na baril habang lasing sa isang night club.

Pagkatapos ng kanyang suspensiyon noong Marso, sinabi ni Morant sa mga mamamahayag na sumailalim siya sa therapy upang matulungan siyang i-manage ang kaniyang stress, at sinabing iyon ay isang “nagpapatuloy na proseso.”

Noong panahong iyon ay tinawag ni Silver ang pag-uugali ni Morant na “iresponsable, walang ingat at potensyal na lubhang mapanganib,” ngunit sinabi rin na ang manlalaro ay “nagpahayag ng taos-pusong pagsisisi para sa kanyang inuugali.”

Matapos talunin ng Los Angeles Lakers ang Grizzlies sa unang round ng playoffs, ay sinabi ni Morant na kailangan niyang maging mas disiplinado.

Aniya, “I’ve just got to be better with my decision-making. That’s pretty much it. Off-the-court issues affected us as an organization pretty much. Just (need) more discipline.”

Noong Mayo 14, sa isang Instagram Live session sa account ng isang kaibigan, si Morant ay nakitang naglabas ng baril habang nasa passenger seat ng isang kotse at kumakanta ng isang rap song.

Nagbunga ito ng pagsuspinde sa kaniya ng Grizzlies.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *