NBA star LeBron James, binuweltahan ng creator ng ‘Squid Game’

Binuweltahan ng “Squid Game” creator na si Hwang Dong-hyuk ang NBA superstar na si LeBron James, matapos nitong sabihin na hindi niya nagustuhan ang ending ng sikat na Nerflix series.

Sinabi ni Hwang na maaaring sabihin ni LeBron kung ano ang gusto nitong sabihin. Nirerespeto niya ito at nagpasalamat na pinanood nito ang kabuuan ng serye.

Nang tanungin sa isang panayam kung ano ang reaksiyon niya sa komento ni LeBron, sinabi ni Hwang . . . “Have you seen ‘Space Jam 2?’. LeBron James is cool and can say what he wants. I respect that. I’m very thankful he watched the whole series.”

Ayon pa kay Hwang . . . “If he has his own ending that would satisfy him, maybe he could make his owm sequel. I’ll check it out and maybe send him a message saying, I liked your whole show, except the ending.”

Si LeBron at ang teammate niyang si Anthony Davis ay dalawa lamang sa milyun-milyong katao sa buong mundo na nanood ng “Squid Game.”

Ayon kay LeBron, nagustuhan nya ang serye maliban sa ending nito. (AFP)

Please follow and like us: