Unang panalo ng Thunder ngayong season, nakuha nang talunin nila ang Lakers

Gumawa ng 27 points si Shai Gilgeous Alexander na naka-ambag sa panalo ng Oklahoma City Thunder laban sa Los Angeles Lakers sa score n 123-115.

Ito ang unang panalo ng Thunder sa season, sa kabila ng ilang naging pagkakamali sa loob ng court.

Isa na rito ay nang mabigo si Malik Monk at Carmelo Anthony na maibuslo ang isang 3-pointer shot. Hindi rin ginamit ng team ang natitira nilang timeout.

Samantala, pinalabas naman si Russell Westbrook na first time maglaro kasama ng Lakers dahil sa kaniyang second technical foul.

Nadismaya si Westbrook matapos maagaw sa kaniya ni Darius Bazley ang bola at mai-dunk sa huling limang segundo.

Sa iba pang laro, ay dinaig naman ng Kings ang Suns sa score na 110-107.

Naibuslo ni Harrison Barnes ang isang 3-pointer sa final second na sanhi para makuha ng Sacramento ang panalo laban sa Phoenix. (AFP)

Please follow and like us: