NBI binalaan ang publiko laban sa pekeng online appointment page ng ahensya sa FB

Nilinaw ng NBI na hindi nito official page ang “NBI ONLINE APPOINTMENT 2021” sa Facebook.

Sa abiso ng kawanihan, sinabi na hindi konektado ang nasabing FB page sa NBI – Information and Communications Technology Division at sa NBI sa kabuuan.

Ayon sa NBI, ang nasabing pekeng online appointment page ay nagaalok ng mga serbisyo at nagpapanggap na parte ng ahensya sa pamamagitan ng paggamit ng logo o insignia ng NBI.

Pinayuhan ng NBI ang lahat ng clearance applicants na dapat lang mag-rehistro online sa https://clearance.nbi.gov.ph/ na opisyal na clearance appointment at renewal website nito.

Nagbabala ang kawanihan na ang sinuman na iligal na gumagamit ng official NBI logo ay sasampahan nito ng kaukulang reklamo.

Moira Encina

Please follow and like us: