DOH nakapagtala ng 8,276 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

Nakapagtala ang Department of Health ng 8,276 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa.

Dahil rito, pumalo na sa 1,028, 738 ang kabuuang kaso ng COVID 19 na naitala sa bansa.

Sa bilang na ito, 69,354 naman ang aktibong kaso.

May 6, 636 namang naitalang bagong gumaling mula sa sakit.

Sa ngayon, umabot na sa 942, 239 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID- 19.

May 114 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umakyat na sa 17, 145 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID- 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: