NBI iimbestigahan ang iba pang mga insidente ng paglabag sa mandatory quarantine protocols

Naniniwala si Justice Secretary Menardo Guevarra na “tip of the iceberg” pa lamang ang insidente sa Makati City kung saan may isang babaeng galing sa US ang lumabag sa mandatory quarantine protocols para dumalo sa party.

Dahil dito, inatasan na ni Guevarra ang NBI na imbestigahan ang iba pang insidente ng quarantine violations.

Kumbinsido ang kalihim na may iba pang katulad na mga paglabag ang nangyari pero hindi lamang naiuulat sa mga otoridad.

Kinasuhan ng PNP- CIDG ang Pinay na si Gwyneth Anne Chua na umuwi galing sa Amerika pero sa halip na manatili lamang sa hotel upang mag-quarantine ay pumunta pa sa party sa Poblacion,Makati noong December 23.

Noong December 26 ay lumabas na positibo sa COVID ang babae.

Kasama sa sasampahan ng reklamo ng CIDG ang mga magulang ni Chua at ilang staff ng Berjaya Hotel.

Moira Encina

Please follow and like us: