Mahigit 5,000 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH

Muling nakapagtala ng mataas na bagong kaso ng COVID-19 ang Department of health ngayong araw.

Ito’y matapos umabot sa 5,434 ang new covid cases kaya umabot na sa 2,861,119 ang kabuuang kaso sa bansa.

Sa bilang na ito 29,809 ang aktibong kaso .

May 497 naitalang bagong gumaling , kaya naman umabot na sa 2,779,706 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 dito sa bansa.

May 18 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 51,604 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: