NBI- MIMAROPA tumutulong na rin sa paghahanap sa nawawalang UP Law Professor na si Ryan Oliva

photo credit: pna.gov.ph

Inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na paigtingin pa ang koordinasyon sa pulisya sa paghanap sa nawawalang UP Law Professor na si Atty. Ryan Oliva.

Ayon kay Guevarra, tumutulong at nakipag-ugnayan na ang NBI- MIMAROPA sa lokal na pulisya ng Looc, Occidental Mindoro at Philippine Coast Guard sa pagtunton sa abogado.

Sa baybayin ng Barangay Balikyas, Looc, Occidental Mindoro nakita ang mga personal na kagamitan ni Oliva.

Iniulat na nawawala si Oliva noong November 21.

Bukod sa pagiging UP Law Professor, si Oliva ay ang pinuno ng Legislative Liaison Unit ng Department of Tourism.

Moira Encina

Please follow and like us: