Bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Covid 19 sa General Trias nadagdagan pa.

Nadagdagan pa ang bilang ng mga may kumpirmadong kaso ng covid 19 sa General Trias City Cavite. 


Sa datos mula sa City Epidemiology surveillance Unit ng General Trias, 3 panibagong kaso ang kanilang naitala kung kaya umakyat na ito sa 2,150


Sa nasabing bilang, 49 dito ay active cases habang 2,064 naman ang nakarekober at nasa 37 ang mga nasawi.


Patuloy naman ang paalala ng mga opisyal sa publiko na panatilihin ang pagsusuot ng face mask at face shield, mag sanitized ng kamay at patuloy na sumunod sa social distancing. 

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: