NCR kasama ang 78 probinsya at 178 na municipalities at component cities , mananatili sa Alert level 1 mula April 16 hanggang April 30

Nasa ilalim parin ng alert level 1 ang National Capital Region o NCR kasama ang 78 probinsiya at 178 na municipalities at component cities sa ibat-ibang bahagi ng kapuluan mula April 16 hanggang April 30.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar na ito ay desisyon na napagkasunduan sa pulong ng Inter Agency Task Force o IATF against COVID-19.

Ayon kay Andanar ang pagpapanatili sa Alert level 1 sa NCR at iba pang lugar sa bansa ay bahagi parin ng hakbang ng pamahalaan para makontrol ang pagkalat ng corona virus.

Inihayag ni Andanar na pinaghahandaan narin ng IATF ang posibleng pagpasok sa bansa ng bagong sublineage ng corona virus na Omicron XE.

Batay sa report ng mga health expert ng pamahalaan ang Omicron XE ang itinuturong dahilan ng muling pagdami ng kasao ng COVID-19 ibang mga bansa.

Vic Somintac

Please follow and like us: