Pasok sa ilang korte ngayong araw, half-day lang

Maagang pinauwi ang mga kawani ng first- at second- level courts sa bansa ngayong araw.

Sa sirkular na inisyu ng Office of the Court Administrato, sinabi na hanggang 12:00 ng tanghali lang ang pasok ng mga empleyado sa first – at second-level courts ngayong Miyerkules, Abril 13.

Nag-anunsiyo rin ang Sandiganbayan ng half-day work schedule.

Ito ay para mabigyan ng sapat na panahon ang mga empleyado at opisyal ng hukuman para makapaghanda sa pag-obserba ng Holy Week ng mga Katoliko.

Moira Encina

Please follow and like us: