NCRPO naka full alert status sa pagdiriwang ng Independence Day

flag

Courtesy of Wikipedia.org

Nananatiling naka-full alert status ang National Capital Region Police Office para sa pagdiriwang ng ika-119 na taon ng araw ng kasarinlan ngayong araw.

Ayon kay NCRPO Spokesman Kim Molitas, mananatiling mataas ang kanilang alerto sa pagdiriwang ng independence day bilang bahagi ng paghihigpit ng seguridad.

Sinabi din ni Molitas na masusunod ang mga security protocol habang ipinagdiriwang ang independence day sa Luneta Park at iba pang events sa Metro Manila.

Mas pinaigting ng pulisya ang seguridad sa Metro Manila kasunod ng pangambang umatake ang mga terorista na naghahasik ng kaguluhan ngayon sa Marawi City.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *