NFA Council, binuwag na ni Pangulong Duterte

Tuluyan ng nilusaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Food Authority Council  o NFA Council na pinamumunuan ni Secretary to the Cabinet Leoncio Evasco Jr.

Sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na ginawa ng Pangulo ang desisyon matapos makipagpulong sa mga bigtime rice traders sa Malakanyang.

Ayon kay Piñol, ibinalik ng Pangulo sa kontrol ng Department of Agriculture ang pamamahala sa National Food Authority o NFA, National Irrigation authority o NIA at Philippine Coconut Authority o Philcoa.

Ang NFA council ang tumatayong oversight committee na komokontrol sa operasyon ng NFA lalo na sa isyu ng rice importation.

Naging kontrobersiyal ang bangayan ng NFA management na pinamumunuan ni Administrator Jason Aquino at NFA council na nagresulta sa pagkaubos ng mga stock kaya nawala ang NFA rice sa mga palengke.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *