NFL game, natigil matapos mag-collapse ang isang manlalaro

Buffalo Bills players huddle and pray after teammate Damar Hamlin collapsed on the field after making a tackle against the Cincinnati Bengals during the first quarter at Paycor Stadium on January 02, 2023 in Cincinnati, Ohio. Dylan Buell / Getty Images / AFP

Pansamantalang nahinto ang laro sa pagitan ng Buffalo Bills at Cincinnati Bengals Lunes ng gabi (Martes sa maynila), matapos bumagsak sa field ang isang manlalaro na binigyan ng CPR bago isinakay sa isang ambulansiya.

Habang nasa unang quarter ng laro, napalakas ang tama kay Damar Hamlin ng Bills sa isang tackle, ngunit nakatayo pa ito pero pagkatapos ay bumagsak na.

Ayon sa report, binigyan ito ng medikal na atensiyon sa loob ng 20-minuto at binigyan din ng CPR.

Pinaikutan naman ng mga manlalaro mula sa dalawang NFL teams si Hamlin habang siya ay binibigyan ng medikal na atensiyon, kung saan marami sa kanila ay lumuhod para manalangin habang ang ilan ay makikitang umiiyak.

Nabatid na nilagyan ito ng oxygen matapos ilagay sa stretcher at ilabas mula sa field.

© Agence France-Presse

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *