NLEX at SLEX, handa na sa pagdagsa ng mga bakasyunista

Naghahanda na ang pamunuan ng North Luzon Expressway at South Luzon Expressway sa pagdagsa ng mga motorista ngayong araw.

Nakaabang na ang mga karagdagang collection booth sa malalaking toll plaza oras na humaba na ang pila sa mga toll booth.

Hinikayat naman ang mga driver na manatiling alerto at disiplinado upang maiwasan ang aksidente.

Pinaalalahanan pa ang mga magmamaneho na inspeksyunin mabuti ang sasakyan para kanilang kaligtasan.

Inaasahang simula mamayang tanghali ay dadagsa na ang mga motorista at magsisimulang bumigat ang trapiko sa NLEX at SLEX.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *