Deped Sec. Leonor Briones at 43 Military officials lusot na sa Commission on Appointments

 

Isang araw bago mag break ang sesyon ng kongreso, lumusot na sa makapangyarihang Commission on Appointments, ang nominasyon ni Education Secretary Leonor Briones.

Ayon sa mga Senador, naniniwala silang magagawa ni Briones ang pagpapataas ng antas ng edukasyon sa bansa dahil sa pagiging excellence sa public service.

Pero bago tuluyang makalusot, nagisa muna si Briones sa isyu ng pagkuha ng consultants at mga bagong patakaran sa Department of Education.

Pati ang kaniyang kalusugan, nakwestyon ng mga mambabatas.

Nagisa rin ito sa isyu ng pamamahagi ng condom sa mga high school student.

Pero paglilinaw ng kalihim, hindi sila magiging bahagi ng condom distribution at hindi distribution centers ang mga eskwelahan.

Ulat ni : Mean Corvera

Please follow and like us: