Normal na operasyon ng MRT, balik na sa Biyernes

mrt

Courtesy of Wikipedia.org

download
courtesy of wikipedia.org

Babalik na sa dating operasyon ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa darating na Biyernes.

Ayon kay Transportation Undersecretary for Rails Cesar Chavez ang non-destructive ultrasonic testing ng axles sa 72 old coaches o light rail vehicles ay inaasahang matatapos ngayong gabi.

Dagdag pa ni Chavez, 20 tren ang madadagdag bukas para bumalik ang mabilis na operasyon ng MRT 3.

Una rito, humaba ang pila sa MRT noong Miyerkules para magbigay daan sa isinasagawang safety inspection ng mga tren kaya’t nagbawas ng tren at pinabagal ang takbo ng mga ito.

Ulat ni: Carl Marx Bernardo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *