NTC ginawaran ng Freedom of Information award

Muling nakatanggap ng pagkilala ang National Telecommunications Commission (NTC) sa 2023 Freedom of Information (FOI) Awards.

Kinilala ang NTC bilang Top Requested and Performing Agency sa eFOI Portal na mayroong 500 hanggang 999 requests at nakapagtala ng at least 90% closed transactions.

Ito na ang ikaanim na sunod na taon na ang NTC ay tumanggap ng pagkilala mula sa PCO para sa FOI Program ng komisyon.

Ang parangal ay tinanggap ni NTC Deputy Commissioner Alvin Bernard Blanco at FOI Officer Divina Daquioag.

Ayon kay Blanco, patuloy na tutugon ang NTC sa prinsipyo na itinatakda ng FOI Program para manatiling transparent at mabilis sa pagseserbisyo sa publiko.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *