NTC nagkasa ng tulong para sa mahabang bakasyon

Nagkasa rin ng public assistance operations ang National Telecommunications
Commission (NTC) para sa mahabang bakasyon.

Sa memorandum order ni NTC Commissioner Ella Blanca Lopez, inatasan nito
ang lahat ng kanilang Regional Directors na makipag-ugnayan sa National
Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Local Disaster
Risk Reduction and Management Councils (LDRRMC), Civic Action Groups
(CAG) at Amateur Radio Groups (RAG) para sa gagawing operasyon.

Courtesy: NTC

Kabilang sa mga maaaring tulong ng NTC ang pagbibigay ng temporary permits
at lisensya.

Inatasan din ni Lopez ang mga NTC regional office na i-monitor ang operasyon
ng mga CAGs at RAGs sa kani-kanilang hurisdiksyon.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *