Office of the Clerk of Court ng San Fernando, Pampanga RTC, pisikal na sarado hanggang sa December 16 dahil sa kaso ng Covid-19


Ipinag-utos ang pansamantalang pagsasara ng Office of the Clerk of Court ng San Fernando, Pampanga Regional Trial Court.

Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang kawani at habang hinihintay ang resulta ng swab test sa iba pang empleyado.

Sa memorandum na may lagda ni Executive Judge Esperanza Paglinawan- Rozario, sarado sa loob ng 14 na araw o hanggang sa December 16 ang Office of the Clerk of Court.

Ang mga pleadings at iba pang court submissions ay maaaring isumite nang direkta sa email addresses ng mga branch ng korte kung saan pending ang kaso.

Inatasan din ang lahat ng kawani na iobserba ang strict home quarantine hanggang sa lumabas ang resulta ng kanilang COVID test.

Nagtalaga naman ng two-man skeleton staff para tumanggap ng bayad sa piyansa mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali habang pisikal na sarado pa ang tanggapan.

Moira Encina

Please follow and like us: