Oil price hike, ipinatupad ngayong araw

Nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng panibagong umento sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Siyamnapung sentimos (p0.90) ang itinaas sa presyo ng kada litro ng Gasolina, animnapu’t limang sentimos (p0.65) sa kada litro ng Diesel at walumpung sentimos (p0.80) ang umento sa kada litro ng Kerosene.

Alas-dose ng hatinggabi nang ipatupad ng Flying V ang kanilang oil price adjustment, alas-6:00 naman ngayong umaga nagpatupad ng price hike ang Jetti, Total, Phoenix Petroleum, Petron at  Shell.

Ang panibagong oil price adjustment  ay bunsod pa rin ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *